Si Marc Burnett ng Large Format Review ay inimbitahan kamakailan lamang upang dumalo sa paglulunsad ng bagong Inca Onset X3 HS, at isang napakabagong OX ink mula sa Fujifilm, heto ang kanyang natuklasan nang makarating siya roon…

Ang Cambridge, sabi nga nila ay ang lugar ng kapanganakan ng flatbed digital printing, kung saan ang Inca ay itinatag noong 2000 at kasama ang nangungunang tagagawa ng screen-print ink, ang Sericol, ay maagap na nagtakda sa pag-iimbento at paglilinang ng proseso sa digital at direktang pag-iimprenta sa walang pahid, matigas na pag-iimprentahan gamit ang isang paraan kung saan mabilis na naigagawad ang lahat ng kanais-nais na screen-print ngunit kalabisan para sa mga minsanan o maikling paggawa.

Isang mabilis na pagsulong sa 2019, ang Inca ay nananatili sa Cambridge, isang lungsod na may palagiang listahan taon-taon ng mga siyentipikong katalinuhan na maaaring mapagkunan, marami sa kanila ay may tangan na mga Master degree at doctorate. Hindi yan isang gasgas na agam-agam lang, nanatili ako sa pasilidad ng Inca nang wala pang isang oras, at may nakilala na kong dalawang lalaki na may mga tungkuling komersyal – mukha silang normal at hindi mga hangal na siyentipiko – ang parehong taong ito ay may PhD.

Pagdating naman sa Sericol, sila ay binili ng Fujifilm noong 2005, ngunit patuloy na bumubuo ng ilan sa mga pinaka-advanced na ink ng digital na mundo. Ngayon ang pagmamay-ari ng Fujifilm ay nakapagpahintulot sa kanila ng marangyang 70 dedikadong kimiko ng R&D na nagtatrabaho lamang sa mga UV ink, na sinusuportahan ng karagdagang 600 kimiko sa Tokyo Japan, na magkakasamang nakikibahagi sa paggasta ng $7 milyong araw- araw – walang mali sa pagkakasulat nyan , totoo at tama ang sinabing “araw-araw”. Ang R&D na paggastos na yan ay nagbubunga sa tagapangunang mga bagong produkto gaya ng Uvijet OX ink na iyong maririnig pa nang higit maya-maya lamang.

Iniisip mo ba na ang artikulong ito ay tungkol sa bagong printer? Puwede bang maging mahinahon ka? Manatili sa akin, may dahilan para sa paglihis na ito, ang akin lamang sinusubukan na ipunto rito ay ang dahilan kung bakit ang Inca at Fujifilm ay regular na inaangkin na sila ay gumagawa ng pinakamabilis, pinakamaaasahan at epektibong flatbed digital printers sa mundo.

Andyan na tayo sa puntong yan, ito ay isang pag-aangkin sa likod ng napatunayan at walang kinikilingan na kahusayang teknikal, hindi ito kalabisan ng pananalita para sa marketing at walang basehang pagtatapang-tapangan. Ang pagmamalabis upang makabenta at paghahatid nang kulang ay wala sa proseso ng pag-iisip ng Inca – masyado silang abala sa pag-iisip “Ano ang susunod nating gagawin at paano ito magiging mas mahusay?”

 

Ayan nakita mo na, salamat sa iyong pagpapasensya, ngayon ay pag-usapan natin ang mga printer…

Unang-una ay maging malinaw tayo dito, ang isang negosyo ng pag-iimprenta ay hindi bumibili ng Inca nang bigla-bigla, ang pagbili ay karaniwang naaayon sa pinahabang panahon ng pagsusuri sa porensikong grado at kasipagan, at kapag ang lebel ng imbestigasyon sa paunang pagbili na iyon ay naisagawa na at ang Inca ay palaging lalabas na pinakauna – partikular kapag ang maaasahan at nauulit na bilis sa produksyon ay ang layunin.

Ang sinundang Inca Onset X3 ay isa nang mabilis na machine, 922 metro kuwadrado na digital print kada oras kung eeksaktuhin – katamo- tamo rin , ito ay mga pabulusok na bilis sa pag-iimprenta na aktuwal na inihahatid sa mga pag-aangking spec-sheet na yon.

Ang Inca Onset X3 HS (High Speed) ay gumagawa ng tatlong bagong bagay na may kahalagahan; nananatili itong mas mabilis, may kaunting oras ito ng paghinto sa pagitan ng pagpapalit ng pag-iimprentahan, at epektibo itong nag-iimprenta sa mas maraming materyales.

Kapag ang isang printer ay nag-iimprenta sa ganung bilis, samakatuwid ang bawat 10 minuto ng kawalang produksyon dahil sa pagpapalit ng pag-iimprentahan ay higit sa 150 metro kuwadrado ng imprenta na hindi nagawang maimprenta. Sa pagpapalit ng pag-iimprentahan na karaniwan ay nasa 8 kada araw, yon ay higit sa 1200 na metro araw-araw ng nawawalang produksyon. Estimahin mo yan nang tuloy-tuloy sa isang taon at isa yang malaki at makabuluhang butas sa pagdadahilan para bumili ng isang “ kailangan na maging mabilis hangga’t sa makakaya mong bilis” na printer.

Binabawi ng bagong X3 HS ang nawawalang oras ng produksyon sa pamamagitan ng pagpapalit sa manu-manong proseso ng pagpalit na maaaring abutin ng 20 minuto kapag isinama ang pagpalit ng pag-iimprentahan at kasunod na pag-set up ng machine, sa isang bagong inawtomatikong proseso na magagawang makumpleto ang ganap na pagpapalit sa loob ng 30 segundo lamang.

Idagdag pa dyan ang mga awtomasyon at pagpapabuti sa pag-iinhinyero at iyong matutuklasan na ang Onset X3 HS ay may kakayahan na makapag-imprenta sa bilis ng produksyon na 1450 metro kuwadrado (m2) ng imprenta kada sa isang oras ng buong araw.

Sympre para mapanatili ang ganung bilis, kakailanganin mo ng isang inawtomatikong robot para mag-load at unload, ngunit kung gusto mo ng pinakamabilis na flatbed printer sa mundo na makapag-iimprenta sa pinakamabibilis na tulin sa mundo, kailangan mong gawing awtomatiko, i-istreamline at gawing episyente ang bawat aspeto ng pagdadala ng pag-iimprentahan papunta sa printer, mismong pag-iimprenta at paglabas ng naimprentahan. Ginagawa ng X3 HS ang mga ito.

Kaya ito’y mabilis at ang Inca ay may napatunayang rekord na ng pagka-maaasahan, ngunit paano naman ito pagdating sa kagalingan ng pag-iimprentahan.

Humakbang ka paabante Fujifilm – sana ngayon ay nakita mo na ang aking pagdadahilan para sa mahabang intro sa simula ng rebyu na ito – kapag ikaw ay nag-iimprenta sa bilis na yan, ang pagpapagaling (curing) sa UV ink ay nagiging isang isyu, sabagay ang imprenta ay nasa ilalim ng curing lamps nang ilang segundo.

Ang kailangan mo ay isang bagong ink, yong na-formulate na upang makapagpagaling nang wasto sa ganyang uri ng bilis ng produksyon, kailangan rin nito na maging sapat na nakakaangkop para makapag-imprenta sa ganyang bilis sa mga alternatibong materyales tulad ng Polypropylene or Polystyrene, dahil ang PVC ay mabilis nang nalalaos dala ng parami nang parami na retail brands na sa ngayon ay gumagawa ng malakas at pampublikong pangako na magiging “PVC Free” sa lalong madaling panahon kaysa sa pabagal-bagal.

Ang mahirap dito ay hindi pinahihintulutan ng Polyprop na materyales ang pagtagos sa pag-iimprentahan gaya ng nagagawa ng PVC, kung kaya’t ang ink ay hindi magiging “isang bahagi ng vinyl” sa parehong kaparaanan. Kaya naman ang ibang mga solusyon ay dapat na matuklasan, at marami sa mga solusyong iyon ay makasaysayan nang naipakahulugan na ang pagdirikit o adhesion ay hindi kasing-buti.

Yan ay inaayos ng bagong Uvijet OX ink ng Fujifilm, mag-iimprenta ito sa Polypropylene sa hamak na mas mataas na rate ng pagdirikit kumpara sa kayang gawin ng nakaraan na pangmaramihang gamit na Uvijet OW ink.

Hindi ibig sabihin nito na ang OW ink ay masama, hindi naging kailanman at talagang hindi – ito pa rin ang ‘pinipiling ink’ at ang subok na ng industriya na Onset ink – talaga lang na ang bagong Uvijet OX ink ay isang malaki’t masulong na pag-abante, sa katunayan ang tinatanggap ng industriya na pagsusuri sa pagdirikit (adhesion test) na karaniwang ginagamit sa UV inks ay napatunayang walang saysay dahil sagad na pasado sa lahat ang OX ink, kaya naman sila ay gumamit ng mas bago at mas matinding ISO2409 adhesion test – na muli ay sagad na ipinasa lahat ng OX ink maliban sa isa sa mga kategorya ng materyales. Bilang buod, parang ito ay iyong gasgas nang palusot, na pagdating sa mga pag-iimprentahan na kinasusuklaman mong imprentahan dahil dapat mong pabagalin ang printer para makapagbigay ng naaangkop na oras para sa pag-galing.

Yan ang pagtataboy ng mga hangal sa teknolohiya, ang susunod ay ang pagpapamalas sa pagpapagana nitong teoretikang hardware at katalinuhan ng ink, at yan ay mas madali nang ibuod. Sa isang salita ay sasapat na ito “Blimey!” sa British na Ingles, o para sa mga mambabasa na hindi nakakaintindi ng Ingles, maaari mo itong paikliin sa salitang “Wow!”.

Ganun lang kasimple yan. Halina’t tignan mo sa sarili mo, mayroon sila ng X3 HS machine na permanenteng naka-set up sa Cambridge, kaya’t mas madali itong mapupuntahan – kung gusto mo ng pinakamabilis, pinaka-nakakaangkop, maayos na suportado, may koponan na iyong malalapitan, sa prangka na pananalita at patawad sa inyo “mga nerd ng imprenta”, samakatuwid ang Inca X3 HS ay dapat talaga na nasa iyong maikling listahan. Sa pagbili ng ibang tatak nang hindi man lang nakikita sa malapitan at personal ang Inca, masasabi ko na ikaw ay may pagka-tanga batay sa aking sariling kalkulasyon.

Sa ating pagsasara hahayaan natin ang mga bigatin sa Inca at Fujifilm na magsalita…

Si Stephen Tunnicliffe-Wilson, ang CEO ng Inca Digital ay nagsasabi: “Naniniwala kami na ang paglulunsad nitong bagong henerasyon ng Onset X machines ay ipinoposisyon nang matatag ang Inca Digital sa unahan ng merkado para sa mataas na de-kalidad na inkjet. Ang Inca Digital ay palaging nakapokus sa pagpapalawak ng mga hangganan sa kung ano ang posible sa pag-iimprenta. Ang dramatikong pagtaas ng pangkalahatang produktibo, na ginawang posible ng higit pang integrasyon ng robotics at mga dakilang pag-unlad pagdating sa tulin ng pag-iimprenta, kalidad ng imprenta at pagkakatugma sa pag-iimprentahan, ay nangangahulugan na ang mga negosyo at negosyante ng imprentahan ay nagtataglay ng kakayahan at kapasidad na palaguin ang porsyentong bahagi nito sa merkado at kumilos nang may kumpiyansa papunta sa bagong mga merkado.”

Si David Burton, ang Commercial Director ng Fujifilm Specialty Ink Systems ay nagsasabi: “Ang paglulunsad ng bagong Uvijet OX ink set ay nagmamarka sa aming pinaniniwalaan na isang malaking bagong tagumpay sa pagbubuo ng ink para sa industriya ng inkjet – isang may mataas na pagganap na espesyalistang ink na may pinakamalakas na pagdirikit sa pinakamalawak na hanay ng mga pinakamapaghamong pag-iimprentahang matigas na plastic. Ang pagdirikit na ito ay matatamo kahit na sa pinakamabibilis na bagong Onset X HS, nang hindi nakakaapekto sa kalidad ng natapos na imprenta.”

Sa pagtatapos na pananalita ni Mr Burton: “Naniniwala kami na ang kombinasyon ng Uvijet OX ink set at ang Onset X HS na plataporma ay kinakatawan ang pinakamalakas at pinakamataas na pagganap na wide format inkjet na sistema sa industriya at muling nagtatakda ng isang bagong pamantayan pagdating sa kalidad, pagka-produktibo at kagalingan sa trabaho.”

“Ang industriya ng imprenta ay patuloy na nagbabago sa katamtamang bilis at ang aming hamon sa Fujifilm Speciality Ink Systems ay ang patuloy na pagganap ng pangunahing papel sa pagtukoy kung saan papunta ang industriya at tulungan ang mga kompanya ng pag-iimprenta na pag-iba-ibahin at palawakin ang kanilang maihahandog upang matugunan ang lahat ng mga pagsubok at oportunidad na inihahain ng merkado. Ang paglunsad ng Uvijet OX ink set at Onset X HS ay isang dakilang halimbawa kung ano ang posible kapag ang dalawang nangunguna sa industriya ay magkatuwang na magtatrabaho bilang mapagkakatiwalaang magkasosyo na may isang malinaw, magkaugnay at hindi nagbabagong pangarap para sa hinaharap ng pag-iimprenta.”

O ayan nasa iyo na, paumanhin para sa kakulangan ng resolusyon, pagbibilang at mga numerong picolitre, pero tunay namang hindi ito ang uri ng rebyu na yon – sa lebel na ito, ang tangi lamang na gusto mong malaman ay “Dapat ko bang tignan ang printer na ito?”, ang sagot ay isang maliwanag na “Talagang dapat mong tignan”.