
Ang nakabase sa Mosco na We R.SIGNS ay kinumpirma ang kanyang pamumuhunan bago pa ang FESPA 2019, na siyang naging pangatlo na kumpanyang Ruso na namuhunan sa superwide format Acuity Ultra ng Fujifilm.
Isang eksperto sa produksyon ng large format signage at outdoor advertising, ang We R.SIGNS ay may higit 500 miyembro ng staff at isa sa mga pinakamalaking kumpanya na nagseserbisyo sa mga merkado ng outdoor at indoor print sa Rusya.
Para maipagpatuloy ang pagpapaunlad ng kanyang portpolyo ng produkto, na kinabibilangan ng mga banner, poster at billboard, ang We R.SIGNS ay namuhunan sa tagapangunang superwide printer, ang Acuity Ultra. “Ang kalidad ng imprenta na nagagawa ng Acuity Ultra ay isa sa mga pangunahing dahilan para sa aming desisyon na mamuhunan,” sabi ni Andrey Nikulin, Bise Presidente sa We R.SIGNS. Dagdag pa niya “Perpekto itong umaakma sa aming iniaalok na produkto sa large format at outdoor advertising, at ang kanyang kagalingan sa paggawa ay susi sa pagkakaloob namin sa aming mga kostumer ng isang pagkakaiba-iba ng inimprentang trabaho na may mataas na kalidad.”
“Ang Acuity Ultra ay magiging isa ring mahalagang bahagi ng aming presensiya sa mga tanghalan, dahil pahihintulutan kami nito na ipakita sa mga potensyal na kostumer ang mataas na pamantayan ng imprentang trabaho na aming makakamit.”
Ipinaliwanag ni Nikulin kung paano naging ang positibong relasyon ng kumpanya sa Fujifilm ay naging isa ring kadahilan sa pagpapasya. “Nagamit na namin ang mga produkto ng Fujifilm sa nakaraan, kabilang ang mga plataporma ng Onset at Uvistar, na nakatulong sa amin na pasukin ang mga bagong merkado. Ang ekspertong sales at mga koponang teknikal ng kumpanya ay palagi ring napakasayang makatrabaho.”
Si Nils Gottfried, ang Wide Format Inkjet Product Manager ng Fujifilm Graphic Systems EMEA ay nagsasabi: “Natutuwa kaming makita na patuloy ang Acuity Ultra sa paggawa ng makabuluhang epekto sa sektor ng superwide format graphics. Sa pagkumpirma ng labing-isang pandaigdigang benta mula sa kanyang paglunsad noong nakaraang taon, malinaw na ang mga kakayahan ng Acuity Ultra ay kinikilala na at kami ay determinadong ipagpatuloy ang pagsusulong ng kanyang nangingibabaw na kalidad sa loob ng merkado.”