
ANG KAUNA-UNAHANG ONSET X PLATFORM NG UK NA KAYANG MAGLABAS NG DALAWANG WHITE CHANNEL AY NAKAPAG-PABILIS SA PRODUKSYON AT KALIDAD NITONG PANDAIGDIGANG PROVIDER NG POS
Ang HL Display ay nasa negosyong tumutulong sa kaniyang mga customer upang makagawa ng mga lugar ng tindahan na kaaya-aya at mapagkakakitaan. Sa pamamagitan ng mga solusyon nitong naka-install sa loob ng 256,000 na tindahan na aabot sa 50 bansa, ito ay maituturing na pandaigdigang lider sa pag-develop ng mga makabago at napapanatiling solusyon na lumilikha ng mas mabuting karanasan sa mga tao sa buong mundo.
Sa UK, ang Harlow site ng HL Display ay nagsisilbi bilang parehong pabrika at regional distribution centre, karamihan ay para sa merkadong UK, ngunit para din sa mga merkadong pang-export sa kanluran at hilagang Europa. Ang bigay ng Fujifilm na karagdagang isang Inca Digital Onset X1 noong Enero 2018 ay nagpabilis sa produksyon, nagpabuti sa kalidad at nakapagbigay ng makabuluhang tipid sa panahon at mga gastusin.
“Nagkaroon kami ng maayos na relasyon sa trabaho kasama ang Fujifilm at Inca Digital bago pa mangyari ang pamumuhunang ito, at isang malaking pagpapasalamat sa kanilang pinagsamang teknolohiya nang kanilang ma-install ang Onset S20 siyam na taon na ang nakalilipas.” ang sabi ni Adrian Edwards, Production Director sa HL Display. “Malaki ang bahagi ng relasyong ito sa bawat desisyon sa pamumuhunan, pati na rin ang mas mabilis na produksyon at mas mataas na kalidad na binibigay ng Onset X1. Higit pa roon, alam naming ang lugar kung saan kami ay nag-ooperate ay mabilis na nagbabago, kaya naman ang scalability ng Onset X series platform ay nagbigay sa amin ng karagdagang flexibility na di kayang pantayan ng ibang mga makina, kabilang na riyan ang kakayahang pabilisin ang output, magdagdag ng mga ink channel at pataasin ang libel ng automation.
“Sa dami ng mga pagsubok na hinaharap ng industriyang retail, nais naming masigurado na kami ay nasa pinakamagandang posisyon upang sumagot sa mga pangangailangan,” tuloy ni Edwards. “Nagsisilbing pamantayan na ngayon ang kakayahang magbigay ng pinakabagong produkto sa loob ng napakaikling panahon, at sa taong ito nakita namin ang pagtaas ng demand para sa print mula sa isang partikular na pangunahing retail customer. Kahit kailan ang aming naunang makina ay di makakayanang sumabay sa bilis ng pagtaas ng demand. Malaking bagay ito sa aming desisyon upang mamuhunan sa Onset X1 at ang makinang ito ay higit pa para sa tungkulin.
“Ang katotohanan na ang Onset X1 ay kayang gumamit ng dalawang white channel ay kaakit-akit at nagbigay ito sa amin ng tunay na kalamangan sa merkado. May mga ibang aplikasyon ng produkto kung saan ang maaring maging alternatibo ay tanging flood-coating gamit ang screen machinery. Ngayon maaari na kaming gumamit ng isang one-step na proseso sa halip na dalawa, kami ay nakakatipid na sa oras at mapagkukunan.
“Nasilayan namin ang makabuluhang pagpapabuti sa kalidad ng aming mga print pati na rin sa pagtaas ng output, nagpapahintulot ito sa amin upang mabawasan ang mga ipinapasang trabaho. Nagawa rin naming i-standardise ang aming colour profiling sa lahat ng mga makinang pang-digital print, ginagawa nitong mas simple ang proseso ng trabaho at mas epektibo sa gastusin. Sa mga resultang tulad nito, maaabot namin ang mga inaasahan ng aming mga customer at mananatili silang kumpiyansa na kaya naming humanap lagi ng solusiyon upang matulungan sila sa kanilang mga problema at makagawa ng mga oportunidad ngayon at bukas.
“Ako ay hindi magaatubiling irekomenda ang Onset X1 sa ibang mga negosyo – ang modularity ng system na ito ay nagbibigay ng platform na kayang tuparin ang kasalukuyang pangangailangan, habang ang opsyong mag-upgrade naman ay hahayaan kang makapagsilbi sa hinaharap.
“Sa pangkalahatan, naging kaluguran ang pakikipagtrabaho namin sa Fujifilm sa pamamagitan ng sales at installation process.” ang pagtatapos ni Edwards. “Isa silang pandaigdigang organisasyon na nangunguna sa makabagong ideya ng print at ang suporta na aming natanggap mula sa kanila ay walang kapantay, mula sa project planning at management, pati na rin sa pagkuha at paggamit ng makina. Nangyari ang lahat ng mga ito sa maayos na paraan at nagawa naming makamit ang mga target na petsa para sa pag-kumpleto ng proseso. Isa ito sa mga pinaka-dabest na proseso ng instalasyon kung saan ako ay nakabilang.”
Ang sabi ni Chris Broadhurst, General Manager, Fujifilm Graphic Systems UK: “Nagagalak kaming makita ang instalasyon ng isa pang Onset X sa UK at marinig ang magagandang resulta na naranasan ng HL Display mula dito. Nagha-highlight ito ng ilan lamang sa mga benepisyo na inaalok ng scalable na Onset X platform at ang kakayahan nitong gumawa ng mga bagong oportunidad, lalo na sa mga mapaghamong merkado. Umaasa kaming maipagpapatuloy ang trabaho kasama ang HL Display habang lumalago ang kanilang negosyo.