INILULUNSAD NG INCA DIGITAL ANG BAGONG ONSET X HS RANGE

Ang bagong inkjet flatbed machines ay nag-aalok ng higit 50% dagdag na bilis, ‘single cycle’ print mode, ganap na awtomasyon at ’30 segundo’ set up ng trabaho

Cambridge, UK: Tagapanguna sa British Inkjet, ang Inca Digital, ay inihayag ngayong araw ang pagpapakilala ng isang malakas na bagong karagdagan sa kanyang nangunguna sa merkadong Onset X UV flatbed series – ang Onset X HS (High Speed) range. Nagtatampok ng dalawang bagong machine, ang Onset X2 HS at ang Onset X3 HS, ang bagong hanay ay nagtatampok ng isang dramatikong dagdag sa bilis at pagiging produktibo – ngayon ay nakapag-iimprenta nang hanggang sa 1450m2/oras, gamit ang isang bagong single cycle mode.

Tugma sa hanay ng aplikasyon sa specific robotic handling systems ng Inca, at pagsasama ng ’30 segundo’ na set up ng trabaho at ‘single cycle’ printing mode, ang bagong HS range ay nakatakdang maghatid ng isa na namang ‘hakbang ng pagbabago’ sa inkjet printing – isang bagay kung saan naging kilala na ang Inca Digital.

Ang paglunsad ng Onset X HS ay nakipagtulungan sa isang bagong Fujifilm inkjet range, ang Uvijet OX. Nagtatampok ang Uvijet OX ng isang bagong-bago, walang katulad, patentadong teknolohiya ng ink na binuo at ginawa sa Fujifilm Specialty Ink systems sa UK, espesipikong idinisenyo para sa Onset X HS pamilya ng mga printer upang matamo ang katangi-tanging pagdirikit sa pag-iimprentahang matigas na plastik sa pinakamatuling bilis.

Sabi ni Stephen Tunnicliffe-Wilson, CEO ng Inca Digital: “Naniniwala kami na ang paglulunsad nitong bagong henerasyon ng Onset X machines ay ipinoposisyon nang matatag ang Inca Digital sa unahan ng merkado para sa mataas na de-kalidad na inkjet. Ang Inca Digital ay palaging nakapokus sa pagpapalawak ng mga hangganan sa kung ano ang posible sa pag-iimprenta. Ang dramatikong pagtaas ng pangkalahatang produktibo, na ginawang posible ng higit pang integrasyon ng robotics at mga dakilang pag-unlad pagdating sa tulin ng pag-iimprenta, kalidad ng imprenta at pagkakatugma sa pag-iimprentahan, ay nangangahulugan na ang mga negosyo at negosyante ng imprentahan ay nagtataglay ng kakayahan at kapasidad na palaguin ang porsyentong bahagi nito sa merkado at kumilos nang may kumpiyansa papunta sa bagong mga merkado.”

Pinataas na Pagka-produktibo

Ang pagdaragdag ng bagong ‘single cycle’ print mode sa Onset X HS, na ginawang posible sa pamamagitan ng optimisasyon ng print jetting profiles at jetting frequencies, ay nangangahulugan na ang bagong hanay ng HS ay magagawang mag-imprenta sa bilis na hanggang sa 1450m2 kada oras – higit na 50 porsyentong mas mataas kaysa sa nakaraang inilathalang bilang na nagagawa ng sistema.

Ang matalinong pagsasama-sama ng mga katangian ng bagong Uvijet OX ink ay nagsisiguro rin ng pinakasagad na pagdirikit (adhesion) sa isang mas malawak na hanay ng pag-iimprentahan, kahit sa mga bagong pinakamabibilis na pag-iimprentang ito.

‘30 segundo’ na set up ng trabaho

Ang paghinto ng machine na sanhi ng mga pagbabago sa trabaho at mga kinagawian sa pag-set up ay kapansin-pansin rin na nabawasan dala ng pagsasama-sama ng isang hanay ng bagong mga inawtomatikong tampok sa mga machine ng HS. Ang mga sistema sa on and off-loading, pagkakahanay ng UB shutter at mga pagsasaayos sa table skin ay ginawa nang awtomatiko lahat, na nakapagpapabawas sa pakikialam ng opereytor at ibinaba ang oras sa pag-set up ng trabaho sa halos 30 segundo lamang mula sa karaniwang 15 minuto. Ang sariling pagsasaliksik o research ng Inca

Digital sa larangan ay nagpapahiwatig na patataasin nito nang malaki ang kapasidad at paggamit ng machine sa mga situwasyon sa “tunay na mundo”.

Ang mga bagong ink ay nangangahulugan ng mga bagong lebel ng kagalingan sa paggawa at bagong mga merkado

Ang nakakaangkop na arkitektura at kakayahang mag-imprenta sa maraming uri ng pag-iimprentahan ng Onset X ay nakatulong rito upang gawin ito bilang ang pinipiling machine ng maraming mga negosyo sa pag-iimprenta, na para sa kanila ang lubos na pagka-produktibo at kakayahang umangkop ay susi sa tagumpay. Ang bagong Onset X HS, na sinamahan pa ng mga katangian sa matibay na pagdirikit ng Fujifilm Uvijet OX ink, ay lalong pinatatatag ang kanyang sarili sa reputasyong nabanggit.

Bilang magkatuwang, ang Onset X HS at Uvijet OX inks ay nagbubukas sa isang malawak na bagong hanay ng mga paggamit at posibilidad sa mga merkado kung saan ang pangangailangan ay lumalaki para sa mas maikling oras ng trabaho ngunit nagtataglay ng pinakamataas na kalidad sa pag-iimprenta sa corrugated board, packaging at matitigas na plastic na hindi PVC.

Sa pagtatapos na pananalita ni Mr Tunnicliffe-Wilson: “Lubos naming ipinagmamalaki ang bagong hanay na ito ng Onset X HS machines. Sila ang pinkabagong halimbawa ng nagmamalaking tradisyon ng Inca Digital pagdating sa paglulunsad ng inkjet machines na mayroong nakapagpapabagong-tingin na epekto sa industriya. Ang makamtam ang nasabing malaking karagdagan sa mga pangunahing bilis at pangkalahatang pagka-produktibo ng Onset X series ay isang nangingibabaw na tagumpay. Dapat na mapunta ang papuri sa mga koponan ng R&D at Inca Digital at sa aming kasosyo, ang Fujifilm, na parehong nagtrabaho nang puspusan para magkasamang maihatid ang isang integradong solusyon na naglalagay muli sa amin sa mismong pinakatuktok pagdating sa makabagong ideya ng inkjet.”

“Alam natin na ang merkado ay patuloy na nagbabago, at ang mga negosyo sa pag-iimprenta ay kailangang magsiguro na mayroon silang teknolohiya ng pag-iimprenta na hindi lamang umaakma sa pangangailangan ng panahon ngayon, ngunit nagbibigay sa kanila ng abilidad na tumugon sa mga hamon ng bukas gamit ang bilis at liksi. Naniniwala ako na ang hanay ng Onset X HS ay nagbibigay sa mga kumpanyang ito ng bilis, pagka-produktibo, kalidad at kakayahang umangkop upang harapin nang may kumpiyansa ang mga hamon at oportunidad na ito.”

Ang bagong Onset X HS series ay makukuha na ngayon at eksklusibong ibinebenta ng Fujifilm sa buong mundo.