Inihayag ng Fujifilm ang Uvijet OX: Isang bagong ink set na may mataas na pagganap para sa Inca Digital Onset X HS Series

Ang Fujifilm Specialty Ink Systems, isang pangdaigdigang nangunguna sa larangan ng pagbuo ng mga sistema ng inkjet para sa wide format na paggamit, ay inihayag sa araw na ito ang Uvijet OX – ang kanyang pinakabagong ink set na may mataas na pagganap na eksklusibong binuo para gamitin kasama ang bagong Inca Digital Onset X HS UV flatbed series.

Binuo sa likod ng napagatagumpay na pangmaramihang-gamit na OW ink range ng Fujifilm, ang Uvijet OX ink ay paunang magagamit bilang isang anim na kulay na CMYK Lc Lm set, at pagaganahin ang bagong Onset X HS para mabilis na makapag-imprenta sa isang malawak na hanay ng iimprentahang matigas na plastic na may sagad na pagdirikit, paghusayin ang bilis at kalidad; na tutulong buksan ang mga bagong merkado para sa hanay ng mga printer na ito.

Sabi ni David Burton, Commercial Director ng Fujifilm Specialty Ink Systems: Ang paglulunsad ng bagong Uvijet OX ink set ay nagmamarka sa aming pinaniniwalaan na isang malaking bagong tagumpay sa pagbubuo ng ink para sa industriya ng inkjet – isang may mataas na pagganap na espesyalistang ink na may pinakamalakas na pagdirikit sa pinakamalawak na hanay ng mga pinakamapaghamong pag-iimprentahang matigas na plastic. Ang pagdirikit na ito ay matatamo kahit na sa pinakamatataas na ‘single cycle’ na bilis ng bagong Onset X HS, nang hindi nakakaapekto sa kalidad ng natapos na imprenta.”

Sinasabi ni Mr Burton na ang paglulunsad ng Uvijet OX ay isang napakahusay na halimbawa ng lakas ng samahan na mayroon ang Fujifilm sa Inca Digital at kanyang Onset X Series – isang plataporma ng wide format UV inkjet na malawak na kinikilala sa industriya bilang ‘best in class’ para sa pagka-produktibo, kalidad, pagkaangkop at pagkamaaasahan. “Ang Fujifilm ay masinsinang nagtrabaho sa buong proseso ng pagbubuo ng ink kasama ang koponan na nasa Inca Digital. Ang aming hamon ay ang makabuo ng isang ganap na bagong teknolohiya ng UV ink na dramatikong makapagdadagdag ng pagdirikit sa isang hanay ng hindi-pantay pantay na pag-iimprentahan, ngunit mahalaga na hindi inilalagay sa kompromiso ang katatagan, pagka-maaasahan at kalidad kung saan kilala ang mga plataporma ng pag-iimprenta ng Onset X.”

Ang bagong Uvijet OX ink ay nagtatampok ng isang natatanging teknolohiya na gumagamit ng espesipikong monomer na timpla. Ang mga pangunahing katangian ng timpla ay kinabibilangan ng hindi basta umuurong na tinta (low shrinkage) kapag sumasailalim sa polimerisasyon at likas na mababang polaridad (low polarity). Ang dalawang kadahilanan na ito kapag pinagsama ay nagbibigay ng napakagaling na katangian ng pagiging basa (wetting properties) bago at pagkatapos ng polimerisasyon, nagkakaloob ng pambihirang pagdirikit sa interface na nasa pagitan ng pag-iimprentahang plastic at ink.

Sa patuloy na pokus sa gamit ng mga plastic at kanilang kaugnay na epekto sa kapaligiran, maraming mga tatak o brand ay pinalalaki ang kanilang pangako na itigal na ang paggamit ng inimprentahang mga produktong PVC at kumikilos patungo sa mga itinuturing na mas ligtas at mas mabait sa kapaligiran o ‘walang kiling sa kapaligiran’ gaya ng polypropylene. Ang pinahusay na mga katangian sa pagdirikit (adhesion properties) na ibinibigay ng OX ink ay sumusuporta sa kalakarang ito, inilalayo ang mga printer sa pag-iimprenta sa PVC at patungo sa pagtangkilik ng polypropylene at polystyrene, na tumutulong sa kanila na tumugon sa mga pangangailangang pangkapaligiran ng industriya.

Ang mga pangunahing benepisyo sa pagganap ng Fujifilm Uvijet OX ink set ay kinabibilangan ng:

  • Namumukod-tanging pagdirikit sa malawak na hanay ng mga pag-iimprentahang matigas na plastic, lalong-lalo na ng polystyrene at inukitan at pantay na sheet ng polypropylene (nagagawa sa parehong four-pass satin at makintab na mga mode)
  • Malakas na pagganap sa pagpapagaling (curing performance)sa lahat ng mga mode ng imprenta nang hindi nawawala ang pagdirikit
  • Maaaring gamitin kasama ang higit na mas mababait sa kapaligiran at hindi mapanganib na materyales na polypropylene nang hindi inilalagay sa kompromiso ang kalidad ng imprenta o pagkakatapos.
  • Pinabuting paglaban sa gasgas (scratch resistance)
  • Parehong pagkakatulad ng Kintab, nasasaklaw na kulay at mga katangian sa pagkakatapos gaya sa iba pang mga sistema ng Uvijet ink
  • Nakakagawa ng parehong katatagan at pagsagitsit ng ink gaya sa iba pang mga sistema ng Uvijet ink

Sa pagtatapos na pananalita ni Mr Burton: “Naniniwala kami na ang kombinasyon ng Uvijet OX ink set at ang Onset X HS na plataporma ay kinakatawan ang pinakamalakas at pinakamataas na pagganap na wide format inkjet na sistema sa industriya at muling nagtatakda ng isang bagong pamantayan pagdating sa kalidad, pagka-produktibo at kagalingan sa trabaho.

“Ang industriya ng imprenta ay patuloy na nagbabago sa katamtamang bilis at ang aming hamon sa Fujifilm Speciality Ink Systems ay ang patuloy na pagganap ng pangunahing papel sa pagtukoy kung saan papunta ang industriya at tulungan ang mga kompanya ng pag-iimprenta na pag-iba-ibahin at palawakin ang kanilang maihahandog upang matugunan ang lahat ng mga pagsubok at oportunidad na inihahain ng merkado. Ang paglunsad ng Uvijet OX ink set at Onset X HS ay isang dakilang halimbawa kung ano ang posible kapag ang dalawang nangunguna sa industriya ay magkatuwang na magtatrabaho bilang mapagkakatiwalaang magkasosyo na may isang malinaw, magkaugnay at hindi nagbabagong pangarap para sa hinaharap ng pag-iimprenta.”