
Isa sa mga pangunahing nagpiprinta ng large format sa Europa ang nagbalita ng pag-unlad sa kanilang negosyo mula ng magtatag sila ng Inca Digital Onset X gawa ng Fujifilm sa kanilang opisina sa Berlin noong tagsibol ng 2018. Ang Onset x2 na mayroong anim na colour channel at ¾ automation ay nagbigay ng kahanga-hangang pagunlad sa kanilang negosyo kaya’t nag-udyok ito sa kanila upang maglagay pa ng isa nito ngayong 2019.
Ang PPS. ay mayroong pitong site na matatagpuan sa buong kontinente, at bilang isa sa mga pangunahing kumpanya ng wide-format printing sa buong Europa ay naglilingkod ito sa maramihang negosyo at kalakaran sa mga pangunahing pandaigdigang brand.
Ang paggamit namin ng printer na ito ang siyang naging tugon sa mga inaasahan ng aming mga customer pagdating sa kalidad at bilis ng pag-deliver,” ang sabi ni Steffen Hufnagel, Production Director sa PPS., Berlin. “Malawak ang hanay ng aming mga produkto para sa aming mga customer tulad ng paggawa ng corrugated displays, POS, mga produktong OOH, banners, at marami pang iba. Mataas na kalidad ang lagi naming hangad na tahasang inaasahan ng aming mga customer.”
“Sa hangad naming maibigay ang mataas na kalidad na serbisyo, nag-ikot kami sa mga suppliers at mga nakagamit o kasalukuyang gumagamit ng makinan ganito. Ang mga customer sa France ang nagpatunay na ang Onset X2 ang siyang tugon sa aming pangangailangan ng isang mabilis at kalidad na produkto.
“Noong Abril 2018 ay nagpalit kami sa mga naunang makina at nakita namin ang kasiyahan at galak ng aming mga dating customer. Sa mabilis at mataas na kalidad ng Onset X2 nakita namin na ito ang sagot sa pataas na kahilingan nga mga customer sa pandaigdigang kalakalan.
Dugtong ni Hufnagel, “Hanga kami sa kakayanan at kahusayan ng Onset X2 sa iba’t ibang paggawa ng mga corrugated display at mga produktong signage. Malaking tulong ang Fujifilm sa amin mula sa umpisa at paggabay sa amin hanggang ngayon. Tunay na kamangha-mangha ang kanilang professionalism.
“Buong lugod kong inirerekomenda ang kahusayan ng makinang ito. Ito na siguro ang pinakamalakas na printer sa ngayon pagdating sa bilis at kalidad.
Ayon kay Kersten Caspar, Sales Manager, Fujifilm Graphic Systems, Germany: “Nagagalak kaming matulungan ang PPS. sa kanilang pag-angat sa bilis at taas ng kalidad upang manguna sa kalakaran ng merkado. Nagagalak din kami dahil mag-iinstall sila nga ikalawang Onset platform sa darating na Bagong Taon, at kami ay umaasang matulungan pa sila upang makamtan ang pinaka-dabest mula sa kanilang pamumuhunan.”